Story (Part 1)

WARNING: This is gonna be boring!

Kahit napakahirap, gusto kong isulat ang lahat ng ito. Kahit di ko alam ‘san mag uumpisa pipilitin ko. Bakit nga ba? Siguro dahil masyado ng komplikado ang lahat. Napakahirap ng mag-isip. Gustong gusto ko kasi na maging okey na ako. Kaya ito, susubokan kong isulat ang lahat. Baka maliwanagan ako sa ganitong paraan. Hindi ko alam ‘san ako dadalhin ng pagsusulat na’to. Hindi ko alam ano pwede kong masabi o  kaya’y maging dating ng sasabihin ko para sa mga babasa. Basta ang alam ko, hindi ako magaling magsulat at lalong lalo na, magulo akong mag-isip. Sana naman hindi ito maging dahilan na mas lalo pa akong magulohan. Hahaha. . .

San nga ba nag umpisa ang lahat? (Wait. . .masyadong mahirap ang tanong ko) Eto na lang…Sino ba ang taong ‘to?

Itago na lang natin sya sa pangalang DKG. Bata pa lang kami magkaklase na kami ni DKG. Kung hindi ako nagkakamali siguro mula Grade 3 hanggang 4th year high school ata. Since Grade 4 tinutukso tukso na kami ng mga classmates namin. Pag inaalala ko nga kami nong elementary days ‘yong panunukso lang nila naaalala ko. Hindi ko alam kung naging friends ba talaga kami ni DKG. I mean kung nagkaroon ba kami ng time na magkausap as usual friends.

 (fast forward lang tayo kunti…memory gap mode)

Nag-umpisa ang aming maliligayang araw (lol) during our second year high school days. So year 2004 yon. Sa edad na 13 years old nag umpisa na akong kiligin. Normal naman siguro ‘yon. Hahaha. At aminado ako na masaya ako kapag tinutukso kami kahit noon pang Grade 4 pa. Ang alam ko lang nong panahong ‘yon eh kinikilig ako. ‘Yon lang. Hindi ko alam bakit. Kasi eto oh, hindi naman sya mala heart throb, di naman siya sikat sa school, ‘yong typical lang na lalaki. Kaya tinawag kong ‘crush’ ang feelings na nararamdaman ko. ‘yon daw kasi ang tawag  don. Tama ba?

As far as I can remember, masyado akong mahiyain sa kanya, hindi ako komportable pag kinakausap niya ako, hindi ako makatingin sa mga mata nya, at hindi ko magawa ‘yong mga usual na nagagawa ko sa mga kaklase ko. In short, I can’t be myself when his around.

Kaya nong nauso na ang cell phone sa aming lugar ‘don nagsimula ang tinatawag kong ‘between you and me conversations”. Hahaha. Syempre through text. Kasi nga mahiyain daw ako sa kanya.

Madalas kaming magkatext sa tuwing uwian na. Kasi bawal ang cellphone sa school namin. So pag nagkikita kami sa class room, ngitian lang. Nagkakausap naman pero yong parang just for the sake lang na magkausap.

Hindi nawala sa mga classmates namin or should I say friends ‘yong panunukso saming dalawa. At sa nakikita ko, hindi naman siya nandidiri pag tinutukso kami. I mean obvious na okey lang sa kanya. Kaya sa tinagal  tagal din namin na nag tetext, hi hello’s sa school, minsan may mga nanyayaring palitan ng letters, exchanging gifts, mga patagong ngitian, mga pagpaparamdam na nag-aalala, mga pagtatangol niya sakin pag umiiyak ako sa school (kahit alam kong joke lang nya ‘yong pang-aaway daw niya sa classmates kong nanunukso just to make me feel okey), at ‘yong mga bagay bagay pa na masyadong maliit pero nagpapasaya sa akin, eh nasabi ko na officially sa kanya na crush ko siya. At take note, siya ‘rin daw! Crush din ako. Hindi ko na inivaluate nong time na yon kung totoo ba ‘yong sinabi nya. Eh nalulunod lunod ako sa kilig ko! Masisisi nyo ba ako. Blehh! Hindi rin naman siya sinungaling sa pagkakaalam at pagkakakilala ko. So nilagyan ko na ng label yong relationship namin. ‘Yong tinatawag ng mga kabataan na M.U. as in mutual understanding. Kasi totoo naman din talaga. Hehehe.

Masyado ko talaga siguro syang crush at napipilitan (ang pangit ng napipilitan, ulitin ko)

Masyado ko talaga siguro syang crush at nachachallenge siya na ‘wag akong e take for granted sa nararamdaman ko. What I am trying to say eh baka hindi niya talaga ako gusto non ayaw niya lang na maging nega ang pag tingin ko sa kanya. Kaya he showed na gusto rin niya ako not to mean na sinasakyan niya lang ako but to also consider my feelings at hindi ako ma discourage towards him. (Ayan na! Pinagtatanggol ko na! Sabi ko sa inyo eh! Magulo akong mag-isip)

Masayang masaya ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Especially that he is also showing a positive attitude towards me. Masaya ako dahil napapangiti niya ako. Alam niyo yong feeling na parang walang problema. Pumapasok ka sa school feelin’ so excited na magkikita kayo, magkakausap, minsan sabay na nag-aaral at syempre marami pang maliliit na pangyayari na mismong nagpapasaya sa’kin.

I was so proud of him. As in. (until now). Nakikita ko kasi sa kanya yong talagang pagka porsigido niya na ma maintain at mas umangat pa sa pagiging honor student since elementary. Halos every recognition pataas ng pataas ‘yong pwesto niya sa ranking ng mga honor students sa section namin. Galing sa lower part umaangat siya ng 1 rank every grading hanggang sa maka abot top 5. Syempre proud at masayang masaya ako everytime na nangyayari ‘yon at pinapaalam ko sa kanya kung gano ako kasaya  for him. Napag usapan namin yong tungkol sa pagiging honor niya sa text. Sabi niya gagawin daw niya lahat para maging mas proud pa ang mga kapatid niya lalo na parents niya. Sinabi rin niya na hindi raw muna siya mag gigirlfriend kasi wala pa daw yon sa bokabolaryo niya bilang gusto talaga niyang mag focus sa studies niya.

Hanggang sa nag 3rd year na kami patuloy siyang bumubuti sa kanyang pag-aaral. Hindi naman nawala yong spark na nararamdaman namin sa isa’t-isa. Ngunit dumating sa       punto na sa tuwing umaangat siya, nanliliit ako sa aking sarili. Isa lang naman kasi ako sa mga average na studyante sa section namin pagdating sa lahat. I mean pasado naman yong grades at may kunting participation sa extra curricular activities. Pero hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko.

Habang tumatagal at habang nagpapatuloy ang mga araw na masaya ako para sa kanya, masaya ng kunti para sa sarili ko, mga araw na magkatabi kami sa upuan, magkatabi sa sasakyan during our trip for our retreat, parties together, mga lakad ng barkada, mga cards during birthday, valentines day, gifts, eh iba na ang nararamdaman ko. ‘Yong meron kang inspirasyon sa lahat ng bagay na ginagawa mo. Ewan ko ba basta nong time na ‘yon napaka importante niya para sa’kin, ‘yong parang kaya kong gawin lahat for him.

Tapos ayon hangghang mag 4thyear na kami ‘ganon parin ‘yong nararamdaman ko. At alam niya lahat ng ‘yon. Kasi vocal ako sa feelings ko for him. At eto oh,, napag-uusapan namin ng mga girl friends ko ‘yong tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend, katulad ng iba naming mga classmates na meron at ‘yong iba sa campus. (mga walang ka muwang muwang nga naman talaga)

Napag-usapan din namin ni Dkg sa text ang tungkol sa mga ganong bagay. At naalala ko na sinabi nga pala niya na wala pa sa bokabolaryo niya yon kasi gusto niya mag focus sa school. So hindi naman ako humingi ng kapalit para sa nararamdaman ko for him kasi nga ayaw niya. At naiintindihan ko ‘yon. Inenjoy ko lang din ‘yong feelings ko. Kaso nga lang, alam kong matagal kaming hindi magkikita kasi pareha na kaming graduating. Maghihiwahiwalay na para mag-aral naman for college. Kaya ‘ayon dumating ‘yong mga araw na nalulungkot na ako kasi mamimiss ko siya at syempre isang napakalaking pagbabago ‘yon para sa buhay ng isang studyante.

I won’t deny na pinangrap kong maging kami nong mga panahong ‘yon. Kasi atleast kahit na magkahiwalay kami para mag-aral sa kolehiyo, eh secured ‘yong feelings ko na committed kami sa isa’t-isa. Kaya ayon everytime umaangat siya sa ranking sa honor students, hindi lang ako nanliliit sa sarili ko kundi nararamdaman ko na lumiliit din ‘yong chance na maging kami. Kasi nga gusto niya na focus siya sa pag-aaral.

Dahil dito, siguro naging big deal sa’kin ;yong nararamdaman ko for him. Kahit maliliit na bagay tungkol saming dalawa umiiyak ako. (tanga kasi eh! Hindi nga naman kami).

Dumadating sa punto na parang binibilang ko lahat ng efforts ko. Siguro dahil nararamdan ko na parang “bakit hindi niya magawang manligaw” eh okey naman kami. Kaso ang hirap hirap talaga diba? Studies kalaban ko eh. Kaya ayon palapit ng palapit ang graduation namin, patindi na patindi din yong feelings ko for him, pero patuloy din ‘yong pakiramdam na parang wala lang sa kanya yong feelings ko. Madalas na akong umiiwas sa kanya pero mahal ko talaga siya. As in super big deal talaga sa’kin nong time na yon ang lahat. Yong feeling na parang isang bida sa isang tela nobela. Hahahaha. During our last christmas party, binigyan ko siya ng regalo. Alam nyo kung ano? Unan. (drama noh?..hahaha) tapos may kasamang sulat pa yon. My lyrics pa ng kanta na I love you goodbye. Hahahaha. Tapos yong message ng letter eh parang paalam na kasi malapit na tayong grumadweyt. Di na tau magkikita. Sinabi kong mahal ko siya. Pero tanggap ko na wala pa sa bokabolaryo niya ang magka relasyon kasi gusto niyang mag focus sa school. Sabi ko magiging okey din ako. Basta mahabang mahaba ‘yon. Nong mabasa niya, hindi ko na siya pinapansin kasi nahihirapan ako. Pinipilit kong e deny yong nararamdaman ko. Ayoko kasi na makita niya akong hindi Masaya. Basta ayoko siyang ma bother sa’kin. Alam nyo ba anong nangyari nong time na ‘yon. Sinayaw niya during the time na nagpatugtog yong teacher namin ng senti song for everybody. Tapos after umalis siya. Naramdaman kong medyo affected din siya. Hindi ko lang alam ano exactly yong feelings niya that time.

After nong xmas break, balik pasokan na, hindi na kami masyadong nagpapansinan sa school. Pero nakakainis kasi, ang hirap mag pretend lalo na kung nakikita mo siya araw-araw. Kaya ang nangyari, naghanap ako ng mapagbabalingan ng atensyon. May naging crush ako. Itago natin siya sa pangalang GG. Pero hindi ‘yong parang seryoso. Siguro gusto ko lang makita kong anong magiging reaction ni DKG pag nalaman niya. (baliwww nga diba).

Dumating yong araw na may tinutukso ang mga classmates ko kay DKG. Nalaman ko na isang second year student pala ‘yon. Syempre affected ako. Hindi ko alam kung close ba sila or what. Basta wala akong idea about sa kanilang dalawa or should I say status nila.

Sa totoo lang mas gwapo si GG kaysa kay DKG. Kilala ko na rin c GG noon pa kasi maliit lang naman yong lugar naming. Magkakakilala lang.

(fast forward)

Nanligaw sa’kin si GG. Pumupunta siya ng bahay minsan para manligaw. Mabait naman siya. Kaso nga lang may feelings pa talaga ako kay DKG. Eh syempre baliw ako, so gusto ko siyang sagutin para makita anong magiging reaction ni DKG. (bad mode).

Kahit napakasama ko sa mga panahong ito, suportado ako ng mga friends ko kasi alam nila na walang mapatutunguhan ang feelings ko towards DKG. Isang araw (birthday ni Dkg), sabi ko sa friends ko na, alam nyo mamayang gabi pag dumalaw si GG sa bahay sasagutin ko na siya. Excited yong mga friends ko. This time nasa school pa kami, nasa loob ako ng classroom namin, patakbong pumasok si DKG, abot tenga ang ngiti sabay sayaw papunta sa mga classmates naming lalaki. At naghihiyawan silang lahat.

DKG: Yessssss!!!!

Classmates: wooohh! Sigurado malaking handaan to sa bahay nila Dkg!!!

Sa mga panahong ‘yon, alam ko na sinagot na siya nong babae. ‘Yon lang nasa isip ko non. Wala kasi akong idea o balitang natanggap na meron na pala siyang nililigawan. Whateverrrr! Masyadong mabigat para sakin ang lahat nong time na ‘yon. Naunahan pa ako! Akala ko may makikita akong reaction sa kanya if ever sinagot ko na si GG. ‘yon pala wala na kasi may nililigawan na pala siya. As usual I tried to hide it just to show to him that I am okey and won’t get affected with it. Kaso di ko magawa eh. Alam ng mga close friends ko ang lahat lahat. They felt sad also para sa’kin. Kasi akala naming lahat na. hindi muna siya papasok sa isang relasyon kasi nga gusto niyang mag focus ng pag-aaral. I won’t deny na feeling ko if ever mag bago man isip niya, if ever gusto na niyang magka girlfriend, ako siguro gugustohin niya. But I was so wrong. Hindi ako nag-isip. Papaano maging ako ang pipiliin niya, eh wala naman akong binatbat. Unahin na natin, mataba ako! Flat nose! Malapad ang mukha! Maitim! Walang ka bagay bagay manamit kasi nga mataba! Lalong lalo na, hindi ako honor student, walang ibang talent kundi mag drawing. (I would like to make clear with this, I am not looking down with myself, I am telling the obvious and what you can see physically, in short I’m just telling the truth)

Nasaktan ako sa nangyari! Nasaktan as in masakit na masakit. Hindi man kami, pero alam niyo ‘yon, yong pakiramdam na “bakit hindi ako?”. Kaya ayon pinilit ko parin na iparamdam sa kanya na hindi ako affected. At sinabi ko sa sarili ko na kahit sagutin ko pa man o hindi  si GG wala na siyang paki alam. Kinagabihan, eh dumalaw si GG, ayon sinagot ko. Siguro gusto ko lang talagang mapakita na hindi ako nasaktan. Ang nasa isip ko lang non eh para makaganti kay DKG. Hindi ko naisip na mas malaki ang chance na  wala na siyang paki alam sakin. Hindi ko rin naisip na masasaktan lang si GG pag nalaman niya na yon lang pala reason ko kaya sinagot ko siya. So inshort, that day was DKG’s birthday, monthsarry nila, at monthasarry namin. (ang saya saya naman. . .)

Inamin ko sa nanay at lola ko na may boyfriend na ako. Tapos sabi nila okey lang naman kaso kailangan ko raw hiwalayan si GG dahil their was an issue before na hindi ko na pwedeng sabihin. Hindisanaako papayag. I think dumaan ata ang mga 3 days na pinag-isipan ko ‘yong sinabi nila Lola at Nanay. Kaso ayaw na nila talaga na mag-isip pa ako kailangan ko raw talagang makipag hiwalay. Nakakatawa kasi 10days lang kami ni GG. Hahahaha. Within 10 days mga apat na beses lang kaming nagkita. Nagsalubong lang sa campus. Bwahahahaah. Natatawa ako kasi parang trip trip lang ang nangyari. Buti naman at pumayag si GG na makipaghiwalay ako kasi sabi ko ayaw muna nila nanay na mag bf ako, hindi ko sinabi yong eksaktong rason and aside from that parang hindi rin kaya ng konsensya ko na kami nga pero hindi ko naman talaga siya mahal. Atsaka ano pa bang magagawa ko eh meron ng gf si DKG. Hahais..

Ang hindi ko rin alam eh, kinabukasan naghiwalay din pala si Dkg at yong girl kasi ayaw din pala ng parents ng girl na mag boboyfriend siya. So in short 11 days lang din sila. Ahahaahah. Mga baliwwwwwww.

So ayon ang nangyari, pareho kaming nag titrip lang. Hahaha. Dumating ang araw ng graduation namin, but before that, wala parin kaming kiboan ni Dkg. Pinipilit ko talagang umiwas. Masaya ako for him kasi nagtapos siya bilang _____________ ng batch namin. Grabe! Bilib talaga ako sa kanya! Kaya nga lang dahil din sa kanyang katalinohan eh masyado siyang logical. I mean yong taong masyadong napaka objective. Kulang sa pakiramdam. Alam kong aware siya sa mga nangyayari or posibleng maramdaman ng isang tao pero hindi siya marunong sumuyo or hindi niya magawang ipakita kung ano ba yong kanyang tunay na nararamdaman.

Nagtapos kami na walang maayos na pag-uusap bilang isang magkaibigan. Eto rin ‘yong pinakamasakit sa akin kasi parang feeling ko hindi namin nabigyan ng chance na mag grow kami as friends. I mean yong relationshipsanana walang malisya or wala yong thought na crush nyo isat isa.

Masakit parin sakin hanggang sa nag college na ako na hindi man lang naging kami at lalo na hindi man lang kami nakapag usap ng maayos kahit during our farewell party. Hahaiisss nakakalungkot talaga. Pero hindi pa rin nawala yong feelings ko for him kahit nagpunta na ako ngDavaopara mag-aral sa kolehiyo.

(to be continued)

photo credits here

Advertisements

10 thoughts on “Story (Part 1)

  1. c maiko ba?hahahaha…balitaw,maka-relate jud ku ani dai..high school years sab idtu 🙂 There are a lot of cases, shall i say, that are worse than that – that feeling na you can really feel na mutual pero he won’t be courting you. My case is worse than yours (for this part lang because to be continued sa). He did court me but just when I took his bait (with all the kilig2x da aku), he took it back that instant. I took risk at that time. I had that feeling na he was just playing games pero I dismissed the thought. Baliw nga kasi. So I said, “yes”. palami-lamian naa naan aku then he took it back saying “binuang lang ug he was bored,epekto ng ininom.” And I agree. It’s not that easy to pretend especially kung cge kamu kita. The good thing sa case nami kai we were both best actors.hahah! we tried hard to act normal. hahha..mga baliw.heheh

    anyway, so much for my one-sided love story… I do like this post. you write really well jul. keep it up. maka-relate gayud aku though di kita that the same ng story sa HS crush life…i love the feeling of getting kilig, even until now.hehehe…

    keep up the good work! 🙂

    Like

  2. my goshhhhh..JULie here..eng basa gaud.hahah..salamattt…dida ako mag log in kay yaki net lang ako doon sa pikas pc kapoy da log in..hahahaha..
    ..waahhhhhhh wapa ini ka tunga sa whole story..lol..wait diri haw si maiko…ahahahahaah..promitt..

    Like

  3. Amo rang tigam da ako agaw sino iyan. AHAHAHA. 🙂 Feel ko lang. Because of the honors thingy & that birthday & monthsary thingy. HAHAHAHA 🙂 Ug ang studies thingy na naning kadayaw 🙂 Ug the rank thingy. HAHA. Basta. 😀

    Like

    • KJ: yayyy ka! amu lagi ini ang kanak daun kahadokan na yakatigamay da ang upod na otaw sining blog q..kay ma alanganinan da sa daun ako ng kanak ipang yawyaw..kasipogee sa ani..pero cge lamang kay ya realize q na okie ra sa baya…(yauno na aq ani) lol..basta kay, amo ra aron.. haw cnu man galing ya isip mo, xa na.hahaha.

      Like

      • malisod lagi ining aroy mga butang na diri ta mahisulti sa live..hahaa..amoy kapasingdan q/ta ining blog..kanaman gayod sa tanan makabasa, kamo ra bahala mag judge sining trabaho q..way problema sian..basta i’m just here kay kada post q mas masabtan q ang libog na kaugalingon q..adoyy amo ra gaud ini jen ang eng tawag na ‘basta maka storya ra aq, kanako da daun hurot’..hayup.on da q—ABANGAN ANG PART 2..lol

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s