My so called Pseudosembreak:)

October 29, 2011 Saturday

Umuwi ako sa probinsiya namin sa San Agustin, Surigao del Sur. Umalis ako ng Davao mga 10:30am dumating nman ako don mga 6:00pm. Hindi usual ‘yong first day ko kasi natulog ako agad. Usually kasi gumagala na agad ako. Siguro pagod lang talaga.

October 30, 2011 Sunday

Gustong gusto ko talaga ang feeling pag nagigising ng maaga sa probinsiya. Masarap kasi sa balat ang sinag ng araw. Hehe. Nagsimba ako ng 5:00pm. Ayon nagkita kita kami ng mga friends ko sa simbahan. Iba talaga feeling noh pag nasa sarili kang lugar mo. May plano kaming gumala ng barkada kaso di lang natuloy kasi umulan.

October 31, 2011 Monday

Natuloy rin ang plano namin na magkita kita. As usual food trip, tsismis, movie marathon, kaunting inuman, maraming tawanan, barahan, tuksohan, hindi rin mawawala ang pambubully..bully kasi kaming lahat.hahaha.

 Eto talaga ang pinaka namimiss ko pag magkalayo kami ng mga friends ko. Ang kumain ng sabay, kahit kaunti lang ang pagkain masaya na. Kahit habang kumakain, maraming nangbubully. Hahahah. Kahit mahirap ng lunukin ang pagkain sa kakatawa, okey lang. Ano ba ang mga kinain namin dito?

Kinilaw na Isdang Tulingan (Raw Mackerel Fish)

Nilay-ob na Pilay (Boiled Banana)

Sinugbang Isda (Grilled Fish)

Digang (Grilled Banana)

Ginamos (Salted Fish/ Brined Anchovies)

 

Pero kunti lang kinain ko. Himala nga!

November 1, 2011 Tuesday

Today is All Saints Day. Kaya sinimulan na namin ang pagbisita sa sementeryo kahit hindi pa All Souls Day medyo marami rami rin kasi kaming kailangang dalawin. Ang pinakaunang pinuntahan ko ay sa Salvacion, San Agustin Surigao del Sur. Taga rito Lolo, Lola at Tatay ko na pare pareho na ring namayapa. Kaya dinalaw namin sila. Una si Tatay at Lola:

Pagkatapos ay pumunta naman kami sa bagong sementeryo kung saan nakalibing si Papa o Lolo ko:

November 2, 2011 Wednesday

Nag overnight lang ako sa Salvacion tapos kinabukasan bago ako umuwi sa amin sa San Agustin, I had a perfect breakfast as in ito oh:

Bago ako umuwi ng San Agustin dumaan ako ulit sa mga sementeryong pinuntahan namin kahapon kasi ngayon naman talaga ang pista ng mga patay o All Souls Day. Kasama ko ang pinsan kong si Pinky bale tatlong sementeryo ang pinuntahan namin kasi inuna namin ‘yong di ko napuntahan kahapon:

Kumuha ako ng video habang papunta kami sa puntod ni Papa (Lolo) paki play na lang=): 

Pagdating sa San Agustin, dumiritso narin ako sa sementeryo kung saan nakalibing naman ‘yong mga kapamilya ko sa mother side.

pagsapit ng gabi naman pumunta sa bahay mga friends ko kasi kailangan naming mag prepare for a special trip tomorrow. Napag desisyonan kasi namin ng dalawa kong friends na bumalik sa lugar kung saan kami nag retreat nong fourth year high school pa kami. I will make another post for that. Kasi masyadong espesyal ang pangyayaring ‘yon. Eto pictures namin sa bahay habang naghahanda ng babaonin namin para bukas. Thanks to Jusel and Mario na pumunta rin para manggulo joke lang para tumulong:

November 3, 2011 Thursday

(Gagawa ako ng ibang post para sa araw na’to=)

November 4, 2011

Maagang maaga as in6:30am pinuntahan ako ni Steve at Marben sa bahay.  Para ibalita ang nagyari sa kaibigan naming si Mario. Bigla lang daw nahirapang huminga. Ayaw daw magpaiwan sa kanila kaya don na lang sila natulog sa bahay nila Mario. Pinuntahan nila ako kasi gusto nilang isabay ako sa pagbabantay kay Mario. Wala kasi daw parents niya. Akala ko talaga hindi na kayang kumilos ni Mario buti na lang pala medyo okey na siya kinailangan niya lang talaga magpahinga.

Bandang 7:00pm na kaming pumunta kina Mario. Nag photoshop lang ako the whole time tapos yong mga kasama ko sina Steve, Marben at Roy nag inuman si Mario naman naglalaway lang. Hahaha.

Ayon si Steve ang pinakanalasing. Tinamaan silang tatlo actually kasi masyadong marami kung makatagay si Steve. Ayon ito resulta:

ang paglalaway ni Steve. Kawawa naman si Roy yong nasa picture kasi mapagkakamalang sa kanya ang laway nato. Kay Steve talaga yan, wala lang siya dito sa picture kasi sumusuka siya sa mga panahong to.hahahahah.

Pagsapit ng 12midnight, ayon na! Mahirap na silang kausapin ng matino. Tama ba namang tulugan nila ako? Buti na lang si Steve lang ang matigas ang ulo at normal ko pang nakakausap ang dalawa. Para namang andaming ininom. Eh isang bote lang naman. Ang hirap kasi excited si Steve. Kaya ganon makatagay. Hahahahah.

November 5, 2011 Saturday

Birthday ng baby ng classmate naming si Estila. Invited kaming mga ninang at ninong. Oyyy parang ang tanda ko bigla. Hahahahah. Super kain at tawa lang ang nangyari today. Busog lusog=)

November 6, 2011 Sunday

Nilibre ako ni Jusel ng squid balls at libre din ni Shiela Ann ang Halo-halo. Ang sarap talaga ng Halo-halo sa Jessa Marie Beach Resort lalo na paglibre. For only 50 pesos busog na busog ka na! Masaya kami kasi marami na naman kaming napag-usapan tungkol saming batchmates at lalo na tungkol sa aming mga pangarap. Thank you girls.

Pagkatapos nito nagsimba naman kami at ayon may nangyaring nakapagpaiyak sa akin. Ano kaya yon? Sakin na lang muna ‘yon..(sigh)

pag-uwi ng bahay naghaponan at nagkulitan kaming magpipinsan..

 sinong pinaka maganda? hahahahha

November 7, 2011 Monday

6:30am bumyahe na ako pabalik ng Davao kasama ko si Marben at Steve highschool friends na best in bully award. Hahahah. Tawa lang ako ng tawa buong byahe. Tuksohan lang din kami lagi. Mga inlove kasi sila. Di ako makarelate. Hahahaha. Mga 1:30pm kaming nakarating ng Davao=)

> Ang saya na naman ng bakasyon ko. Eto yong di ko ipagpapalit ang mga tao at ang bawat araw na nilalagi ko sa’min. Perfect kasi talaga eh. Simpleng buhay lang at napaka natural lang ng lahat ng nasa paligid. Ang saya!

Advertisements

3 thoughts on “My so called Pseudosembreak:)

  1. pwede makatawa anang nov.4 na post? nagtext2 jud mi ni mario anang panahona…hehehe tapos nakatawa ko kay mao dy na ang mga pangyayari..hehehe:D

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s