3rd of November 2011

In my previous post I mentioned that I will make another post for my trip last November 3, 2011. Before that, let me share to you how important this post will be. That is why I wanted to make a special post because what happened that day has so much meaning for me. I honestly do not know how to make a title for this post because I have so much to say and sadly I can’t organized my thoughts well. Oh I hope to make a clear and hopefully short post.=)

Before I went home in our province, I already planned to just stay there for only 5 nights and be back in Davao on November 3, 2011. However, the night before that day as I was lying in bed, I remember the place where we had our retreat during our 4th year high school. I was thinking it would be nice if me and my friends would be able to visit there again as our way of looking back from our past experiences and to take a lot of pictures because we didn’t have any picture from the place during our retreat. So I was thinking it could be a perfect chance to visit the place cause I brought with me the camera of my Auntie. But deep inside, malalim ang pinaghuhugutan ko bakit gusto kong pumunta o bumalik sa lugar na ‘yon. Naalala ko kasi, maraming mga nagpepetitions doon. I know pareho lang ang epekto ng prayers natin kahit saang lugar o simbahan tayong magdadasal pero gusto ko lang talagang sadyain ang lugar kasi iba sa pakiramdam ang makita ulit ang lugar at ang lahat ng nakapaligid doon.

We went to Poor Clare Monastery located in Palasao, Cantilan, Surigao del Sur.

She , Me, and My

Medyo malayo layo din from our town San Agustin, Surigao del Sur. I was with my two high school friends namely Shiela Ann and Myssa. We ride a van at 6:30am and we reach the terminal of Tandag City, Surigao del Sur at around 8:30am each of us paid 70php for the fare. From there we met Myssa’s boyfriend who will also be with us and we ride another van going to Cantilan but we just drop at Madrid, Surigao del Sur because although the monastery is located in Cantilan it would be more convinient to drop by in Madrid and ride a motorcycle going to Barangay Palasao Cantilan Surigao del Sur. The trip from Tandag City to Madrid lasted for almost 2 and half hours with a fare of 90php. The Monastery was I think 5 minutes away from the terminal of Madrid via motorcycle and we paid 20php each.

To be perfectly honest, I was very eager to visit the place just for the reason of sending my petitions. If you’d ask me about those petitions, I think you’ll know through my upcoming posts=).

I thought I would be very overwhelmed to see the place again but the feeling was different. I don’t mean negative feelings but I told Myssa and Shiela Ann “bakit parang feeling ko kakagaling ko lang dito recently?” Bakit parang feeling ko nandito ako last week or last month?” Weird! To think it was already 5 years ago since then. Ang pinakauna naming ginawa ay magdasal. Kinausap ko talaga ng masinsinan si

praying…

Lord. Grabeh! Isa ‘yon sa pinaka masinsinan pag-uusap sa buhay ko. Andami kong sinabi super! At sa’min na lang ‘yon. Hehehe. Pagkatapos magdasal nagsulat na kami ng mga petitions namin tapos hinulog namin sa petition box. Tapos nagsindi naman kami ng kandila. Pagkatapos kumuha kami ng maraming pictures sa loob ng simbahan. Walang

writing petitions…

mapaglagyan ang saya ko nang makita ko ulit ang lahat lahat ng nakita ko. Lalo na ang napakasimple at napakagandang altar nila.

Lalo narin ang mga nooy curious na curious kami sa mga madreng nagdadasal. ‘Yon pala ay mga mongha at part ng culture nila ang mamuhay na malayo sa tao, sa ingay at marami pa. Paglabas namin ng simbahan, I was continuing to capture more pictures until we meet an old man who was I think one of the care takers of the monastery. We told him if we are allowed to meet and talk with the nuns. Pero sabi niya 12noon na daw at alanganin na sa oras. Eh hindi naman kami nagmamdali kaya okey lang kasi the next schedule na pwede silang makausap eh 2:00pm pa so we decide na mag lunch muna. Eh akala nong care taker nagmamadali kami kaya ayon ginawa nya to:

I really thought we wouldn’t have a chance anymore kasi bawal pala silang makausap from Nov.2-Dec.15. But we we’re so lucky that one of the nuns named Sister Susanna has given us her time and chance to see and talk with her.

(dito lang pwedeng makaharap at makita ang mga mongha=) it’s like a store…bubuksan lang kurtina pero hindi sila mahahawakan..

According to her, they do consider seeing those people na hindi na makakabalik agad agad lalo na ‘yong mga taong galing abroad. Siguro narealize din niya na malayo layo din ang binyahe namin=).. Marami kaming napag-usapan kahit sa maikling oras. Naging kompleto ‘yong trip namin kasi nakausap namin kahit mag-isa lang si Sister. Hanggang sa mga oras nato ang dami ko paring iniisip about their life style. Akalain niyo ba since 1998 pa siya don. Talagang napaka sacred ng place parang ang bait bait ko tuloy habang nakikipag usap kay sister lalo na nong nag dasal kami ng Angelus. Nakakagaan kasi sa loob ‘yong kung paano niya sinsabi ‘yong words. Naalala ko noon nakatulog ako sa ganda ng himig ng pagdadasal nila. Peace! Parang kumakanta pero hindi naman. Parang mga anghel pala. Yon!

Hindi na yata tumagal ng isang oras ang pag-uusap namin at nagpaalam na kami. Pero bago ‘yon bumili muna kami ng mga souveniers.

souveniers

ito yong parang cabinet na iikutin lng

Kahit sapagbili, hindi mu sila mahahawakan kasi meron silang umiikot-ikot na parang cabinet. Ilalagay mo lang yong bayad don at yong lista ng gusto mong bilhin. Tapos ilalagay din nila don yong inorder mo tapos iikotin din naman nila para makuha mo. Don din ata nilalagay yong mga in kind na offer like food para sa kanila. Napakasaya namin kasi nasabi namin kay Sister ang ilan sa mga petitions namin at lalo kaming sumaya kasi naalala pa niya ‘yong Batch namin na nag retreat doon way back 5 years ago=)

eating...

Pagkatapos, nag lunch na kami at nag-ikot-ikot sa lugar. Pinuntahan namin yong kung saan kami natutulog, kumakain at nag lelecture when we had our retreat. Masaya talagang alalahanin ang mga pangyayari noon. Kaya mas dumami pa pictures ko kasi alam ko sasaya rin yong mga friends ko hindi nakasama sa amin kasi maaalala din nila ang mga nangyari sa lugar na ‘yon.

Mga 2:00pm umalis na rin kami at since nasa Cantilan nanga kami gusto naring bisitahin ni Myssa yong Tito niya. Kaya ayon sumakay na naman kami ng motor. Unexpected na agad ang mga pangyayari kasi malapit na lang daw din yong lungsod ng Carrascal kung saan meron din akong Tito at Tita na hindi ko pa nabibisita kaya ang ending umabot kami sa Carrascal, Surigao del Sur. At nong pauwi na kami, narealize ko na umabot pala kami sa pinakadulo ng Surigao del Sur. Kahit napaka layo ng inabot at napaka haba ng biyahe mga 5 hrs ata hindi ako napagod kasi parang adventure lang at naninibago ako sa lahat lalo na sa mga lugar na nadaanan namin kasi kahit taga Surigao del Sur ako, first time ko sa mga lugar na aming napuntahan. Hehehe.

Ang saya lang at ang busog lang. BWAHAHAHA. Pinapakain kasi kami sa bawat bahay na aming napupuntahan. Unplanned pero perfect ang araw na’to. Thank you Lord.

More pictures:

maraming puno sa loob ng monastery..=)

i so love the detailed of dos por dos woods..=) (pag nagdadasal ang mga uns hindi na sila lumalabas..diyan lang sila sa sheer part ng altar...behind Mama Mary..

St. Clare of Assisi...

relaxing view inside=)

The Church

Room where you can talk with the nuns and where you can buy souvenir items

where we stayed during our retreat...

paalis na kami...

At the end of the day narealize ko, kaya pala parang weird yong naramdam ko nong dumating kami sa monasteryo, weird na i mean 5 years ago na ang nakaraan pero parang kahapon lang kasi walang nabago sa lugar. Kung ano nakita ko 5 years ago, ganon na ganon parin hanggang ngayon…=)

 -end-

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s