Harsh reality!

Ang hirap talaga maghanap ng trabaho. Totoo nga talaga ‘yong sinasabi nila after graduation na “the real world”.  For 8 months  I would say that I was a liitle bit depressed. Kasi before, napaka dali lang ng tingin ko sa lahat ng bagay. I thought life is just as easy as 1,2,3. Siguro dahil, nakukuha ko ang mga bagay na gusto ko nang hindi masyadong nahihirapan. And for that 8 months, bilang hindi pinalad na makapagtrabaho agad, I wasn’t prepared for that. In short wa ko kasagang! Kasi sanay ako na nagagawa ko kung anong gusto ko, nakukuha ko kaagad kung anong gusto ko. Parang there’s this ‘uncomfortable feeling’ kasi pag naiisip mo na halos lahat ng friends mo may trabaho agad at may trabaho na. Uncomfortable din lalo na pag may makikita kang kakilala mo, tapos ang unang tanong agad ay ‘ano work mo’ or san ka nagtatrabaho ngayon’.

Maybe these things are just nothing for some of you, but being Julie Ann who is easily challenged, there’s this pressure within me knowing that in our place (town) some people are very particular in terms of one’s achievements. You need to excel, you need to pass, you need to be somebody. Pag bobo ka, kawawa ka. Pag wala kang narating, walang papansin sa’yo. Pero pag may napatunayan ka na, lalapit silang lahat. Minsan nga natatanong ko sa sarili ko kung, kailangan ba talagang may mapatunayan ka? at kung kailangan man, ano kaya yon? I mean anong basehan para masabi mo na may napatunayan ka na. Sorry for these words pero para sa’kin totoo lahat ‘yon and even how I tried to not to be affected with what people say around me, I cannot just do it. Kasi tao lang naman din ako. At sa tingin ko normal lang din ‘yong nararamdaman ko. I already told some of my friends about sa struggle ko being a job seeker.  Sos! To tell you honestly, more or less 150 companys na ang na applyan ko. Naiinterview naman ako ng ilan sa kanila, nakakatake ng exam pero wala talaga! Naitatanong ko na rin sa sarili ko kung ano kaya mali sa’kin. Eh handang handa naman ako sa bawat interview na pinpuntahan ko. Maaga akong nagigising at maaga akong pumunta sa interview at nakapag review ako nyan ha. May listahan na kasi ako ng possible questions. As in BEST IN EFFORT AWARD haha. Nalilito nga ako minsan kasi pag sinabi ko sa mga high school friends ko na ‘wala pa akong trabaho’ sinasabi nila na ‘weee ikaw pa’, parang nakakalakas ng loob pero nakaka panghina din minsan kasi hindi naman talaga ako natatanggap sa mga comapny na inaaplyan ko. Kahit ano na nga lang na posisyon, sumusugal ako. ‘Bahala na’ yon lang nasa isip ko nong mga panahong ‘yon.

Pero may rason din talaga ang lahat. Kasi kung maaga akong nagkawork, hindi ko na na kasama ng matagal si Papa, hindi ko na magagawang makita lagi friends ko, hindi na ako nakauwi nong fiesta at holiday sa amin, hindi ko mararanasan ang lahat ng naranasan kong saya habang wala pa akong trabaho. And for sure pag may work na, ma mimiss ko na ang bitters, mamimiss ko na ang jogging sa peoples park, mamimiss ko ang matagal magising at matagal na matulog.

Mamimiss ko nga! Kasi today, HIRED na ako! May work na ako! Yeaheyyy! Walang paglagyan ang saya ko. Sino nga bang mag-aakala na don pa sa isang kompanya pa na inapplyan ko nong estudyante pa ako. Wala ngang application letter at T.O.R. yon. Hindi pa nga masayadong maayos ang format at laman ng resume ko. Hahaha. Totoo talaga na may perfect timing  ang lahat para kay Lord. Naisip ko nga ang lahat lahat ng gastos ko sa pagpapaprint ng bundles of application letters, resumes and photocopies of other important papers. Kaya lang, naisip ko, may rason talaga ang lahat ng nangyari. Instead of complains, I should be thankful for everyhting that happened kasi may purpose ang lahat. Grabeh! Hindi ko na kasi inexpect na may future ako sa company na’to kasi nag pass ako ng resume last March 2011. Nakapag exam ako ng personality test September na tapos pinabalik naman ako for initial interview and after that pinabalik na naman ako for qualifying exam. Sabi kasi nila within 1 to 2 weeks pag hindi na sila tumawag ibig sabihin hindi ako pasado. Then nong second week of November kinontak nila ako may final interview daw ako. Tapos ayon, kanina nga yong final interview ko. Hahahahha. Tanggap ako at masaya ako. Hindi ko pa alam kailan mag-uumpisa. Basta Orientation this coming November 22, 2011 tapos deadline of requirements naman this November 23, 2011. This is it! I will be one of the Recruitment Assistants sa isang kilalang kompanya dito sa Davao City. Ang saya diba! Kinakabahan ako pero mas lumelevel up ang excitement ko.=D.

Thank you sa lahat ng prayers lalo na sa family ko. Lalo na sa lola ko na nagrorosary dito sa bahay habang paalis na ako going to my final interview. Thanks talaga Lord sa lahat ng blessings!

Advertisements

5 thoughts on “Harsh reality!

      • wow…joule…asa? sooo happy for you…prayers work wonders jud aie…heheheh
        God bless sa work…wishing you happiness while working, ang importante dili lang kay nay work kung dili ganahan pud ka sa work…miss you.:)

        Like

  1. Pingback: Quoted « SOLITUDE

  2. Pingback: 444 Word Story | JUST LIKE JULIE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s