Going back to December 2011

I was busy this past days/weeks ago and so I wasn’t able to update my posts. But this time, I’m gonna feature the major happenings in my personal life way back December 2011=)

Dec.2, 2011 – HIGH SCHOOL FRIEND BIRTHDAY

Birthday ni Steve yan (walang ibang mukhang pastor sa picture na’to). Sa Penongs kami kumain. Ang dami dami ng food nong time na’to. I’m so happy kasi after nakapagbonding pa kami sa KTV at naihatid pa namin si Bernard sa bus terminal kasi pauwi siya sa province. Nong pauwi naman kami, naabotan kami ng ulan. Pero ang saya ko parin kasi ‘yon  yong gusto ko eh. Ang mag ingay sa daan, maglakad kasama nila, umulan man or kahit mainit ng panahon. ‘Yon talaga ang namimiss ko.=)

Dec.10, 2011- FIRST EVER PAY SLIP

Ohahhh! Got my first ever pay slip. Hindi naman siya gaanong kalakihan kasi nga kakaumpisa ko pa lang. Toto.o lang talaga noh na pag pinaghirapan mo talaga yong pera, iba sa pakiramdam mo pag natanggap mo na. Wew! Ang saya saya ko!

CHRISTMAS PARTY WITH THE ENTIRE HUMAN RESOURCE TEAM

Ito ang first Chrismas party na nacelebrate ko sa company. The venue was at Yummy Chicken and Pasta Haus located at F. Torres  St., Davao City. Nag enjoy ako especially sa mga gifts hehehe. Kasi may door price na tumbler, nakatanggap din ako ng t-shirt, tissue, and then glass beer na may takip at ofcourse isa sa mga major prizes ang set of glass and a pitcher. Ang dami kong natanggap!!! haha!

Dec. 16, 2011- ADVANCE BIRTHDAY CELEBRATION

Nilibre ko sina Steve, Marben and Mario sa isa sa mga pinaka affordable yet masarap na pizza restaurant sa Davao City at yon ay sa Barrio Bistro. Nag order kami ng pizza overload and hungarian onion pizza. Ang sarap at sulit pa dahil yong dalawang pizza worth 330php only plus 2 liters tower iced tea for 120php only. Masaya aq dahil nkasama ko sila. Si Steve and Marben ang nakatira muna dito sa Davao while si Mario naman timing lagi na pag birthday ko may kailangan syang puntahan dito sa Davao. Hehehehehe

DEC.17, 2011- COMPANY CHRISTMAS PARTY

eto another Christmas party naman. Buong employees na talaga ang kasali. At ang theme ng party ay something fashionable. Kaya naisip ko na something fashionable is something old fashioned hehehe. Kaya ito ang peg ko, Katty Perry lang sa music video niya na Thinking of you click here to view the outfit> (Back to 1940).

DEC.18, 2012- 2Oth BIRTHDAY 

I would like to thank everyone who greeted me on my 20th birthday and to those who were not able to greet me but remembered my special day thank you because its the thought that counts. Before, I usually start my day by attending the misa de gallo, magsindi ng kandila, at marinig ang manyanita from hs friends. But ysterday was so different. I wasn’t able to make it to the 3rd day of misa de gallo. I woke up late & it was the call from my mom that woke me up. When she greeted me, it was also the time when people at home remembered that its my day. I feel so frustrated that I wasn’t able to attend the mass but I tried to manage how I feel and so I get up and eat my breakfast, do the laundry, clean some stuffs and attend the sunday mass @ 1:30-2:30pm and then nagsindi ng kandila and got home at around 3:15pm. hen IThen entertained some online, phonecall and SMS greetings until evening comes and I cook rice for dinner. After all, i feel so sleepy at around 6:30pm so I decided to sleep. And that’s all about my day!

I thought! I thought that’s gonna be all about my day! but wait…. In the middle of my deep sleep, my auntie woke me up saying that one of my college friends was looking for me. So I go out from my room not thinking about how I look like with my dress and a very messy hair. And when I saw my college friend smiling saying “ COME CLOSER HERE”. I was really mental blocked with everything and when I move closer to her WAHHHHHHHHHHHH 4 BOYS WAS STANDING IN FRONT OF ME HOLDING CUPCAKES WHILE TAKING PICTURES OF ME. Hahahaha they are all my HS friends. I was really overwhelmed pero wala kaayo nako na express basig O.A.. ra kaayo. But I really appreciate it. I’ve got no hint at all. So it was really a BIG SURPRISE for me. Thanks for making my day extra special. Counted! hehehe

DEC.22, 2011- EXTENDED TEAM REUNION

Reunion and Christmas party with college friends a.k.a EXTENDED TEAM. So happy to be together again. First time namin kumain sabay sa isang eat all you can reataurant. Matatakaw lang naman kasi eh. Hahahah. Tawang tawa kami dahil ito na ang pinaka mahal naming kinainan worth 128php each. Hahahah at yan lang din muna ang afford namin. Haha. After dito nag KTV din kami at nag exchange gifts.  Ang saya saya!

DEC.23, 2011- ATE GRACE LAST DAY OF TRAINING

Si ate grace ang kasabayan ko sa work. 1 week ahead lang siya sa akin pero sa ibang branch siya e aasign. 1 month yong training niya sa main. This picture was taken during her last day of training. Naiyak talaga ako as in. Huhu. Ma mimiss ko kasi talaga siya. She was one of the people kasi na malaki ang naging parte hindi lang sa adjustments ko sa first job ko but sa buhay ko mismo. She was a blessing talaga dahil hindi ko inakala na ma mimeet ko ang tulad niya sa work. Siya tumutulong sa’kin lalong lalo na pag hindi ko na alam ang gagawin ko. I thought pagdating ko sa work ako lang mag-isa ang magsisipag na malaman ang mga bagay bagay. Pero kahit bagohan lang din siya, ang swerte swerte ko lang talaga na andiyan lagi si Ate Grace para ipaintindi anong gagawin ko at anong uunahin ko. Kaya kahit sandali lang kaming nagsama mamimiss ko talaga sya. ='(

DEC. 24, 2011- CHRISTMAS EVE @ HOMETOWN- SAN AGUSTIN, SURIGAO DEL SUR

I celebrated my Christmas with my family in my hometown. Even if there’s just too short and seems “alanganin”  vacation but I really would want to celebrate Christmas at home. Iba kasi yong feeling na kahit hindi bongga ang handa, kahit walang magagarang Christmas decorations or makikislap na mga Christmas lights pero nasa loob ka ng bahay na kinalakihan mo at nasa lugar ka kung saan mo inumpisahan at patuloy na binubuo ang sarili mo, isali pa ang mga taong nakapalibot sa’yo, pamilya, kaibigan, kamag-anak, kapit bahay, wala ka nang hahanapin pa. Nasa isip ko kasi palagi na pag may araw o kahit oras na alam kong pwede kong ma grab para makauwi, uuwi at uuwi talaga ako. Alam ko kasi na darating din ang panahon na halos wala ka nang ibang choice kundi piliin muna yong ibang bagay kaysa sa sarili mong kagustohan at maaaring hindi na muna ako makakauwi. At biglang sumente si Julie Ann. Heheheh. Anyway after ng mass, nag noche buena kami and natulog din sila kaagad. Gumala naman ako pero sandali lang at umuwi din agad after 3 hrs para magpahinga=)

DEC.25, 2011- CHRISTMAS CELEBRATION @ MY FATHER’S HOME IN BARANGGAY SALVACION, SAN AGUSTIN, SURIGAO DEL SUR 

Kinumagahan naman, nagpunta ako sa lugar ng lolo ko para e celebrate din ang Christmas with  my Aunties and Uncles. So sad to realize na it’s our first Christmas without Papa. He’s memories will always remind most especially pagdating na pagdating ko sa bahay. Hahayyyz.. but everybody seems to show na we are strong for each other kasi we can still manage to enjoy the moment we have, the people who are there for us and every blessings we have even without Papa. We eat together with my Aunties and cousins, talk more, jokes more and more. LOL

DEC.26, 2011- ALUMNI HOMECOMING (HIGH SCHOOL)

At around 8pm we had our Alumni homecoming. This always happen during Christmas break. It has been a tradition of my school in high school to celebrate our “Panagtapok” once a year. Panagtapok means “gathering”. I think this is one of the reasons why people from our place stay so close and near for each other even if other’s are going abroad or to some other parts of the country. Its not easy actually because we have to prepare everything that was required by the sponsored batches. From selling those raffle tickets to table skirting for our table to preparing our own food during the socialization party. However, even if it was something na mahirap magawa kasi nga kanya kanya na kami kasi nga hindi na naman kami magkakaklase or magkasabay ng schedule but we still, maayos naman naming nagagawa ang lahat kasi nga may mga initiative naman ang halos lahat ng mga ka batchmates ko. Kaya kahit kulang kulang minsan, or hindi equal yong pag gawa ng tasks, okey lang din. =D. Walang big deal…masaya lang=). Ang picture na yan was during our socialization party. Kunti na lang kami pero masaya parin=)

DEC.28, 2011- SURPRISE VISIT AND GIFT!

When I got home sa Davao City, bigla akong binisita ng kaibigan kong si Monica para e surprise ako. ‘Yon pala bumawi siya dahil nakalimutan niya akong e greet during my birthday. Hahahahah. Tawang tawa ko. Hahahah. Ume-effort talaga ang bitter na kaibigan kong ‘to. Thanks so uch kasi ang gift niya ay ‘yong favorite kong cookies. Waahhhh Choco Chips=). Isang box talaga. Grabeh! Andami 25 pieces ang laman and then the last time na kumain ako nito, puro bigay lang ang lahat. Pero ngayon, ako naman ang mamimigay..yEAHEYYYYY! Thanks Monica=)

 DEC.29, 2011- JUNAK’S CHRISTMAS PARTY/MYMA’s FAREWWELL PARTY

This was the last major event in my December 2011. Christmas party with co recruitment assistants and some of recruitment associates sa company. Hindi nila alan ang saya na nararamdaman ko during this moment. Kasi isa sa mga purposes din ng party na’to ay ang makapagpaalam and makapagpasalamat kay Myma. Si Ate Cherry na magreresign na dahil babalik na sa Maynila. Masaya ako dahil sa lahat ng nangyari nong gabing to, eating, gift giving, pictorials, chikahan, at yong mga farewell message kay Myma, naramdaman ko na ang swerte swerte ko na kasama ko ang mga taong katulad nila. =) Yong mga taong kasing katulad ng mga kaibigan ko sa high school at college. Mahilig sa mga nonesense na mga trip, mahilig mag get together kahit sa simpleng lugar lang na may pagkaing pinag ambagan ng bawat isa. ‘Yon kasi yong gusto ko, kahit gaano ka simple pero yong mga kasama at momeries na nabubuo mo ang pinaka mahalaga. Hindi ko lang masyadong ma sabi pa sa kanila ang nararamdam ko about how I feel na makasama sa group kasi nahihiya pa talaga ako sa kanila, but honestly, I feel so lucky to be in a team na hindi mahirap pakisamahan=).

Masyadong masaya ngunit malungkot din ang gabing  ito para sa aming lahat. Malungkot na aalis na si Myma, Si Myma na mommy ng lahat. Si Myma na nag guide sa buong training ko sa company. Si myma na dili ka mag duha duhag pangutana kong naa kay ipangutana. S i Myma na may magaling na humor. Si Myma na mabilis magsalita at magaling mag bigay ng idea. Si Myma na mama pero prag bata. Ang lungkot lang isipin na ka bago bago ko pa lang, may aalis na agad at siya pa nakasama ko lagi dahil sa training. Pero masaya naman din ako para sa kanila ng asawa niya kung ano man ang plano nila pagdating ng Maynila. =) Kasi para din naman yon sa kanila. Gusto ko lang mag thank you kay Myma especially sa lahat ng naitulong, naibigay at lalo na naituro niya sa’kin. Thank you Myma for always being there kahit pa ulit-ulit lagi minsan ‘yong tanong ko, kahit di ko agad nakukuha yong madaling technique, thank you s alahat Myma. Nasabi ko na doon sa video=). Mag ingat kayo ni Pang pang. Gusto ko malaman niyo ni Ate Grace na is akayo sa mga naging malaki ang parte sa kung paano ko inuumpisahang buohin ang sarili ko para maging handa sa field na pinili ko. Kaya thank you po talaga! I miss you both. Mwahh! God bless…

-end-

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s